BUSY-BUSY-HAN  

Posted by ACP

Sobrang busy ko last week hanggang kanina.

Hindi ako makapag-online nan matagal at hindi din ako makapagfacebook (kung sabagay tinatamad na ako magFB).
Hindi rin ako makapagreview nang maayos dahil sa inaasikaso ko yun bwisit na requirements na yun.

Buti nalang at natapos ko na kanina. Hay. Finally.

Makakapag-isip na din ako nang maayos.
Makakatulog na din ako nang sapat sa oras.
At makakapanood na din ako nang Dragon Ball at Ghost fighter. Hehe.

Namimiss ko manood nang anime. 
Bumabalik yun summer syndrome/Katamaran syndrome o pagiging isip-bata ko ngayon.

Ang dami ko ginawa kanina.

Pati kahapon.

Pati last week.

Isa na dun ang bumisita sa mga pinsan ko na nakatira ngayon sa tita ko kasi dito na sila mag-aaral.
Isa na din ang kumain ng empanada sa loob nan ICT kasi nakakagutom naman talaga dun kapag naglalaro ako ng dota.
Isa na din ang makasama sa jeep nang halos 45 minutes ang taong nagpapasaya sa akin. 
Isa na din ang naudlot na pag-uwi ko sa amin probinsya. 


Ngayon natapos na ang pag-aasikaso ng requirements ko
Panahon na para mag-seryoso naman sa pag-aaral.
Sana sipagin na ako.
Motivate me.
Please.

At this moment, nagugutom ako,
Nagpabili ako ng isda o karne para ihawin kasi natatakam ako sa inihaw ngayon kaso 8pm na wala ng tinda sa labas. Asar naman. 
Nauwi tuloy ulam ko sa ginisang sardinas. Pero masarap pa rin basta't may kasamang sibuyas at bawang.



Anu ba yan labo-labo na laman ng blog nato,
Walang definite na topic. Hahaha.

Ano pa ba pwede ko i-share? hmmmm.

Basta ayun namimiss ko mag-blog. Sorry suplado. El suplado.


Wala na ako masabi. Kakain na ako ng ginisang sardinas. 


BURP! 

This entry was posted on 4:59 AM . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments