DAYDREAM  

Posted by ACP

Taas ng araw ngayon, kapag nagbabad ka sa labas sigurado sunog yang mukha mo.
Kaya hindi tuloy ako makalabas, at wala din magawa kaya natulog na lang ako ngayon.

Ang sarap nang gising ko ngayon-ngayon lang hapon.
Bago kasi ako matulog binuksan ko yun bintana sa kwarto ko para maliwanag at maaliwalas
At inisip ko na kunwari nasa kwarto ako ng bahay namin sa Aklan.

First time mangyari sa akin na mananaginip ako ng isang topic na inisip ko muna paghiga kasi karaniwang panaginip ko eh sobrang layo sa mga iniisip ko. (Gaya ng hinahabol ako ng aso)

Ang daming laman ng panaginip ko kanina, napansin ko nga na kung anu yung karaniwan kong ginagawa pag nandun ako sa amin eh yun lahat ang nangyari.

Nanaginip ako na nasa elementary school ako galing kasi laging may naglalaro dun ng volleyball, tapos umakyat ako sa pader para pumunta sa basketball court, dumaan din ako sa tabing dagat kasi tambayan ko dun yun bilyaran at kalaro ko mga pirata dun, nakipag-angasan din ako sa mga kaaway ko dun, tumambay sa bahay ng pinsan ko at gumala kasama mga tropa ko.

Grabe feel na feel ko yung presence ng lugar namin. Kaya nga parang ayoko magising kanina eh, pagmulat na lang ng mata ko napangiti ako at sinabing "hay tapos na pananaginip ko, miss ko na ang Aklan, di bale halos dalawang buwan na lang na pagtitiis toh at makakauwi din ako".

Hindi naman halata na namimiss ko na lugar namin noh? Haha.

Ang simple lang kasi ng buhay dun tsaka madali.
At hindi problema ang pera, hindi mahirap maghanap ng makakain dun, hindi rin mahirap tumawa at magsaya dun kasi nandoon yung mga totoong tao na nakilala ko mula nun pinanganak ako.
Nakakamiss!

Miss ko na mga pinsan kong sina Totoy, Jr, Mariela at ibapa, at pati yun mga tropahan ko dun.
Sila lang nakakakilala ng buong pagkatao ko.

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah -_- .

This entry was posted on 2:29 AM . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments