Summer na nga talaga, hindi na mapigilan ang init ng araw
Kaya ito ako kanina pa kain ng kain nang mga pinamili ko kahapon kasi alam ko magsasara mga tindahan ngayong Holy Week.
Bumili ako ng dalawang piatos, isang plastic ng mallows at isang dosenang energen.
So far malapit ko na din maubos yun kasi nga wala ako magawa ngayon, wala namang magandang palabas sa tv ngayon. Hay. Ang boring.
Medyo sinusulit ko yun bakasyon ngayon kasi after nito review na, kaya ito nag-eenjoy.
Biglang sinipag ako mag-download ng mga kanta ngayon ewan ko kung bakit.
Mostly mga wedding songs pa dina-download ko.
Hindi ako mahilig mag-isip or wala talaga sa isip ko yun word na wedding pa kasi feel ko ang bata ko pa at marami pa pwedeng mangyari at pwedeng dumating.
Pero simula nun pinatugtog at pinanood sa amin nan lecturer namin yun wedding ceremony niya bigla ako nainspire, feel ko gusto ko na makasal sa taong magpapasaya sa akin.
Grabe! Grabe yun feeling ko ngayon, para bang ngayon lang to nangyayari, iniisip ko na yun wedding day ko.
Hindi ko naman alam kung sino magiging partner ko sa wedding ko pero I'm happy. Happy. Happy ako kasi tinitiyak ko na ang mapapangasawa ko yun taong talagang mahal ko, hindi ko isasakripisyo ang araw na yun, sisiguraduhin ko na mahal ko yun mapapangasawa ko.
Ang saya naman, nagiging mature na ako. WEEE.
Hindi na biro tong mga iniisip ko, habang tumatagal lalo ko naiintindihan ang salitang happiness.
P.S
- nasaan na kasi yun taong para sa akin, nakasama ko na ba siya? nakausap? nahawakan ang kamay? nakaaway? oh hindi ko pa nakikita? Nasaan ka na ba? Hindi mo ba alam na nalulungkot ako kasi wala ka pa? Ikaw kaya nalulungkot din kasi wala pa ako? Dumating ka na. Ikaw na lang hinihintay ko, madaming babae na ang inakala kong ikaw pero hindi pala ikaw yun, marami akong natutunan sa kanila para maging tama ako sayo. I'm waiting for you girl. :)
This entry was posted
on 12:14 AM
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
Archives
-
▼
2011
(58)
-
▼
April
(31)
- WRONG MOVES
- THEME SONGS
- WHAT?
- PABORITO KO TO
- EH PAANO KUNG?
- EMPTY
- CHAT
- --
- DAYDREAM
- RUNAWAY
- DRAGON BALL MARATHON
- ARAGOY
- MORE THAN ENOUGH
- IKAW
- TRANSPARENCY
- UMAY
- BUSY-BUSY-HAN
- I DREAM
- WALEY
- IF I'M NOT IN LOVE WITH YOU
- DESTINY?
- MY BIG LOVE
- MY SUNDAY
- O.0
- TEKA LANG
- PARANG AYOKO NA YATA
- TWEETY BIRD
- UNTITLED
- TO ALL THE GIRLS I'VE LOVED BEFORE =)
- HAPPY HEART
- IT ENDS TONIGHT
-
▼
April
(31)
0 comments