PABORITO KO TO  

Posted by ACP

Mahilig ka ba sa ganito, ganoon, ganyan?
Paborito mo ba si ano, tsaka si ano?

Mga tanong na hindi na mawawala kapag gusto mo kilalanin ang isang tao kasi doon mo malalaman kung anu-ano ang mga bagay na pwede magpasaya sa kanya.

Kung ako naman ang tatanungin nila kung ano mga pabortio ko, abah eh madami.

Paborito ko ang Bandang Parokya ni Edgar, sunod ay ang bandang Silent Sanctuary, ang dalawang yan lang ang mga tipo kong genre sa musikahan nan OPM. Astig kasi ang banat nila sa mga lyrics at makarealidad. Tugma sa buhay ko ang bawat timpla ng kanta nila.

Paborito ko namang kulay ay red, black, brown, white, blue, red, green, red, at tsaka dark yellow, at tsaka meron pa pala red.

Paborito kong kainin ay kahit ano basta malinis at masustansya. Pinaka hindi mawawala sa storage ko yun century tuna, kahit anong luto kakainin ko yun mapatorta, nilaga, inihaw o pinaupong century tuna, pinausukang century tuna, pati sinabawang century tuna. Lol. Seryoso na, masarap kainin kahit hindi na lutuin after buksan sa lata. Sarap kasi. Burp.

Paborito ko yun mga cartoons at anime. Gusto ko yun Naruto sa lahat. Adik ako dun, Rasengan! Kaginbunshin nunjutsu! Lol.

Paborito ko yun mga alternative, slow rock, rnb at selective urban songs. Mas trip ko kasi yun banda, at masarap pakinggan kapag nasa jeep ka o nasa byahe ka, pwede ka mag-eemo diyan sa tabi habang nakikinig ng mga ganun, haha. Sa urban naman gusto ko yun kanta ngayon na may title na Price Tag, ang cuuuteee.

Paborito ko din ang matulog. Kaya matutulog na ako. Bukas walang pasok siguro magdadaldal ako ng konti dito. Babawi ako kasi medyo matagal tagal din ako naging busy at hindi active dito.

OOPSS! Bawal maging suplado.

This entry was posted on 8:02 AM . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments