WHAT?  

Posted by ACP

I had a friend.

Isang beses ko lang din yun nakabonding noong naglaro kami ng badminton kasi magkaiba naman kami ng schedule nun, pero sa isang araw na nakabonding ko siya ang dami na niya kinewentong problema sa akin. 

Eh ano pa ba role ko kundi ganun lagi. HAHA

Balik tayo sa kwento, ayun after namin maglaro nagkwentuhan na lang kami, malaki problema niya sa boyfriend niya kasi niyayaya na daw siya nito magpakasal. I forgot to tell na she's around 18-19 years old pa lang ata. Sabi niya hindi pa daw siy ready at hindi niya sigurado kung mahal niya boyfriend niya, sabi ko naman kung hindi pa siya handa eh pwede naman siya tumanggi kaso lang daw may problema kapag tumanggi siya kasi merong issues. Complicated issue.

Involve ang pera sa issue, rich kid kasi yung bf niya at solong anak pa, kaya daw siya niyayaya magpakasal dahil after makasal nang lalaki eh pwede na niya hawakan ang negosyo nila. 

Toinkz.

At ang pinakamatindi ay malaki ang utang nila sa bf niya, kaya hindi siya makahindi na pakasalan yung bf niya sa lalong madaling panahon.
Sabi ko ikaw bahala, bata ka pa, maganda ka, tapos mag-aasawa ka na agad? At hindi ka pa sure kung mahal mo talaga bf mo.
Natapos ang araw na yun at hinatid ko siya sa kanila at after nun wala na kami communication kasi seloso bf niya kahit sino pinagseselosan kaya naiintindihan ko siya at hindi na kami nagkikita at naguusap.

Ngayon halos 6 months na, bigla ako napadpad sa account niya sa facebook (hindi ko pala siya friend sa facebook kasi bi-nolck ako ng boyfriend niya, meow) gamit yung ibang account ko nakita ko na engaged na siya at ikakasal na sa bf niya. O.o
Nagulat ako. 
Sana happy siya sa desisyon na yun, malulungkot ako para sa kanya kapag nalaman ko na napilitan lang siya or there's something happened na nakapagpagulo sa isip niya kaya siya napapayag na magpakasal agad.
At dahil sa ikakasal nia siya sana naman hindi na siya pagbabawalan nang magiging asawa niya na makita ako. Lol.
Crush ko pa naman dati yun. T.T

Anyway, Goodluck sa kanila, sana magkaroon sila ng maraming anak para masaya silang dalawa. Hehe.

KAB00m.

This entry was posted on 11:13 PM . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments