3:10 pm ngayon at kasalukuyan kong ginagawa ang blog natoh.
Araw ng Linggo, usual sunday ko ay lumabas ng bahay, kakain mag-isa sa Jolibee at sa siomai house (dalawang order), dati nagsisimba ako ngayon hindi na, at ang hindi mawawala sa sunday ko ay ang gumastos (mamili ng damit at kung anu-ano).
Yun ang sakit ko, ang gumastos, sabi nga ng mga tropa ko wala daw ako magawa sa pera ko at kung gagala daw kami sa mga tindahan ng plato at panlinis ng CR eh baka daw bumili ako nun, haha, mga loko-loko.
Ayoko kasi maubos yun pera ko sa wala kaya binibili ko na agad. Kagaya kahapon, umandar na naman pagkagastador ko, bumili na naman ako ng damit, at di pa ako nakuntento bumalik pa ako kanina para tignan kung nandun pa yun isang damit na nagustuhan ko eh sayang wala na may bumili na ata kaya shorts nalang binili ko. Naisip ko din mag-avail nan bench card nila para may discount ako pag nakaipon ako ng madaming points kaso nanhinayang din ako sa 100 kaya sabi ko nextime nalang kaso nun pauwi na ako naisip ko dapat pala nag-avail ako kasi magkaka 1000+ points agad ako ngayon dahil sa mga pinamili ko, hay! Sayang! gulo nan utak ko.
Galing din pala ako NAIA kanina may hinatid lang kaya ito pagod na pagod ako, dagdagan pa ng nakakabadtrip na katabi kong babae sa trike kasi yung buhok niya na parang abaka eh minomolestiya yun mukha ko mula buong byahe, ang sakit sa mukha ng buhok niya, naisip ko ngang kagatin o di kaya itali sa hawakan ng trike yun buhok niya eh pero buti na lang mabait si ACP. Lol. haha.
At ngayon nasa bahay na ako kumakain nan siomai habang nakikinig ng "I caught fire" LSS na ata ako dito, ito lang pinakinggan ko buong byahe kanina. MEOW.
HAPPY SUNDAY.
To God Be The Glory.
This entry was posted
on 12:21 AM
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
Archives
-
▼
2011
(58)
-
▼
April
(31)
- WRONG MOVES
- THEME SONGS
- WHAT?
- PABORITO KO TO
- EH PAANO KUNG?
- EMPTY
- CHAT
- --
- DAYDREAM
- RUNAWAY
- DRAGON BALL MARATHON
- ARAGOY
- MORE THAN ENOUGH
- IKAW
- TRANSPARENCY
- UMAY
- BUSY-BUSY-HAN
- I DREAM
- WALEY
- IF I'M NOT IN LOVE WITH YOU
- DESTINY?
- MY BIG LOVE
- MY SUNDAY
- O.0
- TEKA LANG
- PARANG AYOKO NA YATA
- TWEETY BIRD
- UNTITLED
- TO ALL THE GIRLS I'VE LOVED BEFORE =)
- HAPPY HEART
- IT ENDS TONIGHT
-
▼
April
(31)
0 comments