TO ALL THE GIRLS I'VE LOVED BEFORE =)  

Posted by ACP

Ako si Adan Christian Palomata at ako'y maagang nainlove.
Sa murang edad ay natuto na ako magsalita ng "ILOVEYOU" oh dibaaaa toooroooyyy.

Kinder - super crush ko si Dianne, noong mga panahon na to ay dalawa lang pangarap ko sa buhay, ang makasama siya habang naglalaro ng jolens at ang kasama siya habang kumakain kami ng eggnog tuwing break time. Natapos ang buong kinder ko ng hindi ko nasabi sa kanya na gusto ko siya. Tapos nun highschool na kami ulit nagkita kasi ibang school siya nun elementary at highschool, sinabi niya sa akin na may gusto din pala siya sa akin pero iba na type ko nun, oh dibaaaaa ang torooooyyyyy!


Grade 1- wala ako masyadong maalala dito kasi parang ang bilis ng panahon ko sa school namin.
Grade 2- lumipat ako sa central school, dami chicks grabe, damiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii. haha. Crush ko nun si Kat, halos lahat kasi kami nun gusto siya. Ayun lang. haha
Grade 3,4,5- Si Christian Rose ang crush ko nun, ewan ko ba kung bakit naging crush ko to nun elementary.
Grade 6- haru, dito ako unang nagka-gf, si Jeah, tapos nun mga before graduation nagbreak kami kasi madaming guro ang pakialamera. meow.


IST year- Si Manilyn ang crush ko nun, 3rd year siya ako ist year, nasa kabila lang room niya kaya ginawa ko gumawa ng eroplanong papel na may nakasulat na "Iloveyou Manilyn- adan" ayun pinalipad ko sa room nila at lumanding dun sa upuan ng teacher nila, DISASTER! pinatawag ako ng teacher at sinabing "iho kapag nanliligaw ka puntahan mo at lalapitan hindi yun idadaan mo sa eroplano" hay! nakakahiya yun.


2ND year- yun kaaway ko lagi sa tropa may sobrang crush kay Resie Jane, kaya ginawa ko para maasar lalo sa akin yun tropa ko niloko ko siya na may gusto sa akin yun Resie jane, pero sa totoo lang hindi ko pa nakikita yun sa personal. Mga ilang araw lang may tropa ako sa higher years at sinabi may nagkakagusto daw sa akin na ist year ang pangalan ay Resie Jane, WATATATA! Naloko na, hindi ako makapaniwala kasi hindi ko pa nakikita yown. Nun pinakilala ni siya sa akin ay parang, parang, parang ________ _________. Di ako nakapgsalita kasi ang ganda niya. T.T Chinita na may onting taas din at morena. Sumunod yung mga araw naging kami kaso may problema, mula noon lagi na ako hinahunting ng mga gangster sa school kasi madami pala nagkakagusto dun kay Resie Jane. Eh duwag ako nun mga panahon na yun kaya nagbreak kami. Siya pa naman first love ko at ako daw first love niya. First love never dieeees. Haha. Joke.


3RD year- Dalawa naging gf ko sa level na toh, nag-level up na kasi. Haha. Joke. Si Andrea, 2nd year siya ako naman 3rd year, kaklse siya ni Resie jane nun. Cute siya kaya lapitin ng lalaki, 4-5 months lang ata tinagal namin nito kasi naman ang daming epal, hinahunting ulit ako. Pero lumalaban na ako nun kaso siya naman nag-eentertain pa ng iba kaya ayun iniwan ko siya. Kala mo ha. Hahaha! We're friends hanggang ngayon. After ni Andrea January nagkabalikan kami ni Resie jane. Love is sweeter the second time around. HAHAHA! Ayun ang cute niya pa rin, araw-araw tuwing 1pm makikita mo kami nun sa plaza may sarili kaming puwesto dun, dun kami lagi nagkikita at nag-uusap. Oh diba ang swooooott. LOL.


4TH year- Ito na, early summer nakipag-break ako kay Resie, T.T kasi feel ko kailangan ko mag-enjoy habang highschool pa lang. BAD! Ayun, nun pumasok ulit ako dami transferee, ist week pa lang may naging gf na ako, :) si Kaykay, minahal ko to nan sobra nun highschool, pinaglaban ko to kahit gulpi ako lagi sa mga kaagaw. Kaso naghiwalay din kami kasi iba daw mahal niya. ARUY! KARMA! SAKIT PALA KUYA EDDIE! Haha. That was my first heart broken. Kaya nag-iba ugali ko nun, yun gf nan tropa ko niligawan ko agad nun nagbreak sila, ayun naging kami secret-on daw. Si Arianne, taga-manila kaya matinik. Puro bisyo tinuro sa akin pero iwas naman ako. Good boy daw. HUWEH? Naghiwalay din agad kami, dahil varsity ako nan volley ball nun pupunta kami lagi sa mga iba't ibang school, nakilala ko si Marylove at si Grace. First time ko mag-two-time, ano daw?  Di pala masaya pag ganun, hindi ka nga mawawalan pero believe me hindi masaya ang mag-two-time, dapat one and only lang. TAMA!!

IST year college- may naging gf ako nun sa perps, si Anne, ang bait niya sowbra. Pero ako kasi lagi may problema eh. Hay. Ayun walang nangyari.


2ND year- ito naman madami issues, na-link ako sa klasmate ko na si Timmy, kaso narealized ko ng maaga na hindi ko talaga siya gusto kaya tumigil ako, at nakilala ko tropa nia na si Armie, ayun naging kami. Tapos wala din nangyari. SYEET.


3RD year- ito sabi ko magtitino na talaga ako, medyo ok kami ni Janelle nun sa communication hindi sa personal, malabo kasi eh, may sabit pa rin kaya ayun nakilala ko si Crisa, kapit-bahay ko, madaming masasayang araw kami nagkasama :). Pero hindi pa rin talaga siya yan ang sabi ng puso ko. 


4TH year- naghiwalay kami ni Crisa at pinagpalit ko sa tropa ko na si Jade, ayun wala pa rin nangyari. Haha!
Tapos madami na-link sa akin, si Mary, Pacleb, Rose. Tapos nakilala ko si Chesca pero wala rin. Tapos si Sarah sumpungin crush ko. Ayun, So far konti pa lang sila. Haha! Pero tuloy pa din takbo ng buhay ko, kahit umabot pa sa milyon ang taong makasalubong ko, hindi pa din ako mapapagod magmahal at lalo akong magmamahal kapag nakita ko na siya at nakita na niya ako.

Love is sometimes denied, sometimes lost, sometimes unrecognized, but in the end, always found with no regrets, forever valued and kept treasured.

This entry was posted on 8:41 AM . You can leave a response and follow any responses to this entry through the Subscribe to: Post Comments (Atom) .

0 comments