Kailanman hindi naging mahirap ang magmahal.
Ito na ata ang pinakamasarap na bagay na maibibigay ng mundo, ang magmahal.
May mga bagay na talagang hindi maipaliwanag kung bakit ito nangyayari at pwedeng magpagulo sa nararamdaman ng isang tao pero hindi yun dahilan para masabing mahirap magmahal.
Sadyang kumplikado lang talaga ang buhay, kailangan nating maging matatag at matibay o paminsan-minsan hindi rin masamang lumayo, ang paglayo ay hindi nangangahulugan nang pagsuko sa nararamdaman, isa din itong paraan para sabihin na matatag ka dahil mas pinili mong maging masaya ang taong mahal mo kaysa sa piliing maging masaya ang sarili mo.
Mapalad ang mga taong laging nakakasalubong ang pagsubok, isa itong patunay na pinagkakatiwalaan ka ng Diyos na makakaya mong lagpasan ito.
Dahil masarap makamit ang kaligayahan kapag dumaan ka sa hirap ng buhay.
Sa ngayon, ang tanging laman ng isip ko ay ang kaligayahan mo.
Malabo at hindi mo maiintindihan pero ginagawa ko ito para sayo.
Naniniwala ako na ang tunay na pag-ibig ay hindi natatalo
Naniniwala ako na may tamang oras para sa taong nagmamahalan.
Kung para sayo, para sayo talaga.
Wala ng makakapigil dun.
Dahil hindi natuturuan ang puso. Totoo yun.
Ilang beses na kasi ako naging tanga.
At ang katangahan na yun ang isa sa pinakamasayang karakter ng buhay ko na hindi mapapantayan ng iba.
Mamimiss ko siya.
If there's a chance to be with her then I won't waste that opportunity pero sa ngayon wala akong magagawa kundi lumayo.
Para ko na ring kinalimutan ang dahilan kung bakit ako masaya.
Ganun kahirap ang nararamdaman ko ngayon.
Sana maintindihan mo.
Nandito lang ako kung kailangan mo.
waves*
This entry was posted
on 8:57 PM
.
You can leave a response
and follow any responses to this entry through the
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
.
0 comments